Basta Driver, Sweet Lover!

Went to Commonwealth yesterday. So wala kaming kotse. Kaya taxi papunta dun. 

After an hour sa Commonwealth, edi pauwi na, so taxi ulit.

Pagtingin ko sa taxi, matanda na yung driver. Edi, sumakay kami. 

Eh si Papa mahilig makipag-usap, (friendly) so ganito nangyari…

Papa: Lakas niyo pa ‘tay ah!

Taxi Driver: Onaman! Wala nga akong sakit eh, miski ubo o sipon (sabay ubo)

(sabi ko sa sarili ko… hanep wala daw siyang sakit! Kakaubo mo lang kuya! :)) )

P: Ilang taon na po ba kayo?

TD: 73 na. 

P: Ayos ah, ano po ba trabaho niyo bago maging driver?

TD: Ito rin. Naalala ko pa nga nung kabataan ko eh, halos na libot ko na yung buong Pilipinas eh. Davao, cebu… halos lahat!

P: Big time kayo ah!

TD: Mura lang naman dati eh. Halos 70+ pesos lang papunta dun mga 1960 o 70

P:Ahhhh

TD: Alam niyo bang sa bawat lugar na pinuntahan ko eh may gelpren ako.

P: Ayos! Edi poging pogi ho kayo dati?

TD: Ako pa.  Naka-leather jacket ako tapos yung buhok ko mahaba pa.

P: Poging-pogi!

TD: Aba’y oo naman. Eh dalawa-dalawa nga yung babae ko eh. Mga GOOD FOR TWO MONTHS or TWO YEARS!

P: Ano yun parang naka-kontrata lang!

TD: Para nga akong sugar-daddy eh. Hay nako naman, kung maibabalik lang ang panahon.

P: Totoo ngang pag driver sweet lover no? Playboy! 

TD: Pero siyempre, ngayon isa na lang babae sa buhay ko.

Then ayun… after a while bumaba na kami. Tsk, si Tatay talaga oh. Playboy! Kulit no? Pero siyempre sa huli, isa pari yung kukumpleto ng buhay niya. :)

UTOT

Nasa kama si Sister. Tapos katabi niya si mama. then ako, sa sofa bed. :)) (kawawa no? :)))) )

Maya-maya biglang…

Kapatid : Umutot ako. :>

Ako: Kailangan pa bang ipagmalaki yan?

Kapatid: —tahimik—

Kapatid: Mama, mabaho ba? ( < THIS!)

Mama: —hindi sumagot—

Ako: Wag mo nang itanong, mabaho talaga. ( joke lang!)

Mga bata talaga. =))) (kung makapagsabi ng bata eh, kala mo matanda na ako) Ang kulit kasi eh, proud siya dahil umutot siya. :))

—okays… enough with the awkward topic. :)

a face with thousands of masks

It’s just like putting up a brave front. No matter how strong and brave you look, you still have that weakness and fear of something.

Kapag may problema ka, minsan tinatago mo lan yun sa sarili mo. Ayaw mong pagusapan, sabihin sa isang kaibigan, manghingi ng payo o kung ano na makakasolve sa problema mo. Minsan naiisip mo na “hayaan mo na”, “lilipas din yan”, “kaya ko ‘to kahit ako lang mag-isa” at kung anu-ano pa. 

No man is an island. Totoo nga naman. Ginawa tong mundong ‘to hindi para magpakaloner ka hindi ka nagiisa oh! Andaming tao sa mundo. Ano yun, lahat sila hindi mo pinagkakatiwalaan? Ano ka, nagmumukmok sa isang sulok na parang wala kang kakilala sa sandamakmak na tao? Diyan lalabas yung mga taong tinatawag mong… KAIBIGAN. 

Friends whom you can depend on. Ang kaibigan parang kapatid mo yan, pag may problema ka, sinusuportahan ka niyan kahit anong mangyari. Minsan parang magulang mo, sinasabi nila kung ano tama, anong mali. Talagang maasahan mo tuwing nangangailangan ka. kahit na minsan hindi kayo nagkakaintindihan, mahal mo parin siya bilang kaibigan, di ba?

Family that will always be and forever be with you no matter what. Nandyan syempre yung magulang mo, kapatid mo, relatives. Lahat yan, susuportahan ka, aalagan ka, papayuhan ka, pagsasabihan, at lagi mong kasama. Tinamo, kung pinapagalitan ka minsan, pagkatapos nun diba, hindi ka parin nila iniiwan ka may nagawa kang hindi maganda? Dahil mahal ka nila, ayaw nilang mapalayo sayo. 

Problema diyan, problema dun. Nakakabanas no? Hindi mo namang kailangang maging matapang, malakas na parang wala lang sayo yung mga nangyayari kahit APEKTADONG APEKTADO ka na. Ano ka manhid? Tao ka pa niyan? Manhid. Tsk. Manhid pa ba yung tawag mo sa taong nagtatapang-tapangan kahit NAPAKASAKIT na yung nararamdaman niya? Kahit pagtakpan mo na problemado ka, hindi mo parin maiiwasan na kailangan mo ng MGA taong tutulong sayo para maayos yan problema mo. Tama diba? Hindi TALAGA ginawa itong mundong to para magpakaloner ka talaga. It’s full of hope and love and so much mooooooore! Kaya SMILE na! =))

Even though you have that face with thousands of masks, those masks will still break no matter what. Even though you still put up those masks, it will STILL break isn’t it? So whats the point?

Ang hirap kase sa ibang tao, akala nila, sila yung laging tama.

Ohhhh, Summer awaits me.

Tapos na… ang halos isang taong paghihirap. BANZAAAAAAAAAAAAAI~ hahahaha.

School year ended last week? Ay bahala na. Halos naka-isang linggong pahinga ako sa 6am wake up call. :) hahaha. Hindi naman sa wake up call talaga. Ginigising lang naman ako. So parang wake up call na rin. Eeeeeee. Makulit na ulit ako. Pero hindi naman matutumabasan yan sa tumblr lang. Siyempre, mas makulit ako pagkasama ko mga kaibigan ko. 

Yan sila oh, yung kumempleto ng buhay ko. :) They’re part of my family. Hindi lahat ng kaibigan ko nandyan. 

Andyan sila Gretl, Geza, Ji, Hannah, Kae, Karen at si Jam. :) Sila yung Galfrends ko. :)

Noble girls! Hahaha. Sila yung kasama ko sa “second home” ko ng halos isang taon. yung nakikita ko simula 7am hanggang hapon. Sila yung nagpatawa, nagpaiyak? basta lahat mo na ng emotion! :)))

Siya si Gretl. :) Spell Maganda? Siya yun! :)) Hahaha. Siya yung lagi kong kasama. =))) Yung bespren kong makulit. Na lagi kong kasama umakyat baba ng stairs kahit ilang beses. :))) Yung mga times na nagtatago, nagtatakbo kung san san. Yung minsang napaglabasan ko ng sama ng loob. Mamimiss ko yan nang sobra kahit ilang month lang. Yung kapartner ko lagi sa Stat. :)) Tawa kami ng tawa. Shackkkks nakakamiss talaga. :) Hahaha. Soooo, yun. Hallo Greta! <3

Eto, eto na talaga! :)))))) Hahaha. Hi Miss! ;) Siya naman yung “partner-in-crime” ko. :)) Sa bawat kalokohan, siya kasama ko. =)))))))))) Na-iispeechless ako seyo dre. Kahit nasisiraan na ako ng bait, nadadamayan parin niya ako. HAHAHA. Para kaming magkadikit na something. Laging magkasama. :)))) Kahit na nasasaktan/ nahahampas kita, Sorry pareh! :)) I’m just too hyper. :)) Mamimiss ko ren yan kahit na nasa puso na kita. :)) Ay gaaaaaaaaaa. :)) AHAHHAA. See you when I see you Ja. >:)

And for almost a year being a sophomore, Thank you. You’ve given me so much. :) Things that I can live with my whole life memories and such. Ay SPEECH? :)) Ay gaaaaaaaaaaa. HAhaha. 

After a week uwi na akong Pinas. >:) Hahhaa. Summer, HERE I COME. >:) Hahaha.

Oh, wait. Si crush? hahahha. < AY GAAAAAAA. See you when I see you.